Wednesday, September 3, 2008

2. Bangkito, Chiquito

I. D Architect


"Ang Bangkito"



Pagkatapos ng college, larawan ako ng isang taong puno ng pag-asa at buhay. Hinanda ko na ang aking sarili. Alam ko noon pa man na hindi ako magiging empleyado, nais ko magtayo ng sarili kong architectural firm, ngunit alam ko rin na hindi pa ako handa para dito. Mabuti na lang at obligado kami magkaroon ng dalawang taong experience sa ilalim ng patnubay ng isang rehistradong arkitekto. Kaya dito ako nagsimula. Isang taon mahigit ako namasukan sa isang maliit na architectural firm, dito ko natutunan ang maraming bagay. Natuto ako gumuhit ng plano gamit ang computer, humarap sa mga kliyente at construction workers, at dahil sa kung ano mang dahilan, natutunan ko patakbuhin ang isang maliit na architectural firm. Natutunan ko sa karanasan kong ito na kailangan mong itulak ang iyong sarili na alamin at pag-aralan ang mga bagay-bagay. Hindi dapat umasa sa iba para matuto, at kailangan mo matuto para mabuhay.

Ayos na sana, masaya na sana ako sa king trabaho, bagama't wala akong natutunan sa arkitektong dapat ay gumagabay sa kin, marami naman akong natutuklasan dahil halos lahat na yata ng trabaho sa firm ay pinapagawa nya sa kin. Na-obliga akong matuto mag-autocad sa loob ng ilang araw, dahil pinagawa nya sakin ang isang project na isang linggo lang ay deadline na. Ilang plano pa ang aking natapos gamit ang bago kong nalalaman sa autocad.

Isang araw, walang pasabi-sabi ay itinalaga nya ako bilang Site Architect/Supervisor sa isang construction project nya sa Las PiƱas. Ni hindi man lang ako nabigyan ng background dito, kaya hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Napatakbo ako nun sa National Bookstore, nagmukha na naman akong estudyanteng nagre-research para naman kahit papaano ay hindi ako magmukhang tanga sa unang araw ko sa site. Hindi na ako nagmagaling, talagang wala akong oras na inaksaya para matutunan ang mga dapat matutunan sa site. Halos minu-minuto ay may itinatanong ako kay foreman. Talagang sinabi ko sa kanya na first time ko sa site at sana ay ituro nya sa 'kin ang lahat ng pasikut-sikot dito. Siguro ay tagumpay ako sa bahaging ito, dahil bago matapos ang construction ay nakabuo ako ng isang bangkito na ini-regalo ko naman sa ina ng aking girlfriend na ngayon ay biyenan ko na. Masyado ko yatang naibsan ang sakit ng kanyang likod sa paglalaba kaya natunaw ko ang kanyang puso. At an instant, naging napakabait kong boyfriend sa kanyang anak. Ayos!





II. D Husband



"Gusto kong Bumait, pero Tao Nagawa!"



Nasa Bangkal, Makati kami nun nang sumakit na naman ang tiyan ni Au. Sabi ko sa kanya ay mag-pacheck-up na sya dahil baka may cancer na sya....


Isang linggo bago ang araw na to, si Au ay kasama ko sa isang construction project sa Pasig, umaakyat pa sya sa bubong para maki-pintura. Pumunta rin kami sa Star City at sumakay kami sa mga rides duon pati sa Cyclone Loop. Halos araw-araw ng linggong ito ay umaalis kaming dalawa.


Dahil sa talagang hindi nya na matiis ang sakit ng kanyang tiyan, nagdesisyon ako, on the spot, na magpa-checkup na sya. Ang tagal, kinakabahan na ko habang naghihintay ng resulta. Lumabas sya panandalian at wala naman syang binanggit sa kin maliban sa kailangan nyang lumipat sa kabilang building ng ospital. Yosi, yosi, yosi....wala pa rin sya. Makalipas ang ilan pang sandali ay hindi ko na rin natiis, pumasok na ko sa loob. Nakangiti ang mga nurse at itinuro sa kin kung nasaan na si Au. Sa pinto pa lamang ay nagsalita na ang doktor at sinabi, "Congrats!..." Ang mga sumunod na sinabi nya ay hindi ko na narinig dahil nag-aalala ako kay au. Basta, napansin ko na lang na nakaturo siya sa isang monitor at tingin ko ay parang laman-loob yun ni Au. Sabi ko, "ano yan, bukol?" Natawa ang doktor at si Au. Sabi ni Au, "anak mo yan". Ngek, magiging tatay na pala ako.



III. D Father


"In the Name of the Father"


O heto nanam ang isang pagbabago sa buhay, yung araw n yun sa ospital ay huling araw ng pagiging binata. Bagama't wala pa ang bata, kailangan ko na mag-isip bilang ama. Hindi na mapipigilan, araw-araw ay lumalaki sa tyan ang bata, at isang araw ay lalabas na lang sya na isang tao na. Limang buwan na sya nasa tiyan at naging bingi kami sa pagpaparamdam nya na hindi lang kaming dalawa ni Au ang magkasama,bagkus ay tatlo na kami. Malamang ay natatawa rin sya sa mga jokes ko kay Au, malamang ay umiiyak din sya kapag kami ay nalulungkot, malamang ay nakakatulog sya sa mga awit ko kay Au. Kung ano't ano man, kung naging hindi sinasadyang bingi man kami sa nakalipas na limang buwan, kailangan kong maging matalas ang pandinig simula nito. Kailangan kong makinig sa kung kani-kaninong tao para malaman kung paano ko magagawa ng tama ang pagiging ama, asawa, at anak. Yung pagiging ama at asawa ay medyo madaling dalhin para sakin, dahil natural namang dadaanan ko yan sa buhay, yung pagiging anak sa tatay kong mahigpit, yan ang problemang malupit. Si Joe na aking ama, ay presidente ng isang unibersidad, mahalaga sa kanya ang kanyang pangalan at awtoridad, iningatan nya ito ng ilang dekada at heto ako, ako pa yata ang dudungis sa napaka-ganda nyang pangalan...


IV. D Barkada


Ang Nu Sigma ay isang samahang pinatatag ng labim-pitong taon. Ito ay isang pamilyang patuloy na lumalaki at tumatatag.


"Sa Simula"

Tulad ng awitin ng APO,"....nagsimula ang lahat sa iskwela, nagsama-sama'ng labin-dal'wa". Pero hindi lang kami labin-dalwa, kundi tatlumpo.

Karamihan naman sa min ay matitino,mababait, at tahimik....sa simula.

First day ng klase, ng dahil lamang sa distribution ng diary, ay di sinasadyang na-bully ko ang presidente ng klase. Hanggang ngayon ay nababanggit pa rin sa grupo ang kwentong iyan, sorry na lang sa utol kong yan, bata pa kami noon.

Kanya-kanyang kultura, kanya-kanyang istorya, kanya-kanyang trip sa buhay. Paano kaya nabuo ang isang samahan na hanggang ngayon ay tinitingnan ng marami na pinaka-solid na batch ng Southridge Night School?



2 comments:

victagos said...

ayos brad! pagkatapos ng ilang taon at nabasa mo 'to, matutuwa ka.

Jenner said...

sana nga brader, mas masarap napagtatawanan ang nakalipas kaysa kainisan...Ayos-patok!